Friday, April 6, 2012

Pananaw ng Rosario Batangas

PANANAW NG ROSARIO BATANGAS
Sangayon sa kanyang mga Mamamayan
Shared Vision of the People of Rosario Batangas


ANG BAYAN NG ROSARIO, BATANGAS ay maunlad, malinis, maayos, maganda at matahimik na pamayanan, isang huwarang bayan at ganap na lunsod na may pagmamahal sa kanyang kalikasan, nangangalaga sa kagubatan na may maraming tanim na punong kahoy lalu na sa mga kataasan.


Mamamayan
Ang mga Mamamayan ng Rosario, Batangas ay may pagkakaisa, may pagkukusa at may takot sa Diyos, na masaya sa kanilang pamumuhay na masagana bunga ng pagkakaroon ng sapat na hanapbuhay, maayos na trabaho at sapat na kabuhayang kanilang pinagkikitaan upang matiyak ang pagkakaroon ng kanilang mga pangunahing pangangailangan kabilang ang masustansyang pagkain, kalusugan, bahay, damit, malinis na tubig, edukasyon at katiyakan sa kaligtasan ng kanilang buhay at mga ari-arian laban sa kriminalidad.

Kinikilala 

Ang Rosario, Batangas ay kinikilala sa kanyang masiglang bagong anyo ng agrikultura, pagnenegosyo, imprastraktura, turismo, edukasyon, transportasyon at pangangalaga sa kaayusan at kapayapaan, at ganoon din sa kanyang mapagkakatiwalaan at matapat na mga namumuno.

Pinahahalagahan
Pinahahalagahan ng lokal na pamahalaan ang kapakanan at kagalingan ng sector ng mahihirap, kababaihan, may edad, nag-iisang magulang, kabataan at mga bata, mamamayang may ibang kakayahan, at iba pang pangunahing sektor.

Makikita

  • Makikita sa Rosario, Batangas ang mga malalaking pabrika at negosyo, mga gusali at mall at magandang mga kalsada sa lahat ng barangay.
  • Mayroong magandang terminal ng bus, jeep at tricycle; at maayos ang pagpapatupad ng mga batas ukol sa trapiko at kalinisan.
  • Makabago ang mga magsasaka. Mayroong maipagmamalaking public college. Masusumpungan ang libreng mga pagsasanay pangkabuhayan at pangtrabaho.
  • Masisipag ang mga eco-aide na nagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran.
  • Matatag ang kanyang mga institusyong pangkatarungan.

No comments:

Post a Comment